Ang Aking Limang Maestro
Marahil ay matatawag mong maswerte ako dahil noong panahon ng aking kabataan ay marami akong naging maestro - mga tiyuhin ko na pinsang-buo ng aking ina na noon ay nakatira naman bilang "boarders" sa aking mga lolo at lola. Lahat sila bilang nakakatanda sa akin ay may mga naging bahagi sa aking pagkatao ngayon, dahil sa mga aral na natutunan ko sa kanila. Masuwerte rin ako dahil kapag may nagustuhan silang palabas sa ABC Tri-Cinema ay kasama ako sa naisasama nila sa panonood ng sine.
Ang una at may pinakamalaking inpluwensiya sa akin ay si Kuya Luding, isang dating seminarista. Malimit kaming makapag-kwentuhan tungkol sa kasaysayan, pilosopiya at politika. Matiyaga siyang magkwento at sumagot sa anumang tanong ko tungkol sa mga nabanggit bagama't ang pinakamalimit namaing mapag-usapan ay tungkol sa sports na boksing. Natatandaan ko pa ng isama nya akong manood ng pelikulang "The Fifth Offensive", tungkol sa paglaban ng mga Yugolavian laban sa mga Nazi noong World War 2. Pagkatapos ng pelikula ay napag-kwentuhan naman namin ang mga nangyari sa Europa pagkatapos ng digmaan.
Kay Kuya Luding ko rin natutunan ang kahalagahan ng kaalaman hindi para ipagpaligsahan kundi para mabuo ang tamang isipan at pagkatao. Marami siyang alam na kwento na ang ilan ay isasalaysay ko sa mga susunod ko pang sulatin.
Pangalawa kong maestro ay si Kuya Ising na kung tawagin namin ay Sean Connery, Philippine edition.. Tahimik at di gaanong masalita pero mahilig ding magbiro. Sa mga magpipinsan ay parang siya ang sandigan. Siya rin ang nagpasok sa akin sa una kong naging trabaho bilang factory worker sa Hooven Aluminum. May mga naging problema rin ako sa aking pamamasukan at siya ang laging umaayos noon. Ang hilig naman niya ay mga pelikulang tagalog ni FPJ at Ramon Revilla. Natatandaan ko pa na siya ang nagyaya sa akin na panoorin ang "Dugo at Pag-ibig sa Kapirasong Lupa. "
Si Kuya Nado ang ikatlo kong maestro. Isang guro noon sa high school, at malimit kong kalaban sa sparring-boxing. Ang hilig naman niya ay mga Kung Fu movies. Minsan nga dahil siguro sa panaginip na siya ay nagku-kung-fu ay nahulog siya sa double deck at nalaglag sa mesang kainan. Napakabait na tao pero nag-iiba ang pagkatao kapag nakaka-inom.
Si Kuya Flor ang pinakabata sa kanila. Sa kanya ko naman natutunan ang pagiging "street smart" o kaalaman sa mga diuskarte sa barkada at pakikisama. Malimit niya akong mayaya sa bilyaran at sa panood din ng sine namay aksiyon at konteng "bold scenes". Siya ang nami-miss ko sa lahat dahil sa parang nakababatang kapatid lamang ang turing niya sa akin.
At ang ikalima ay hindi naman kamag-anak pero malapit na kaibigan ng aking ama, si mang Narding. Tunay na negosyante, tindero primero, at kisto kapag araw ng Linggo. Mahilig mag-kwento ng mga kalokohan at sa kanya ko naman natutunan ang mga pamamaraan sa pag-aasikaso ng kalakal at mga paninda,
Meron din namang maestra, si Ate Nita na taga-tawa sa mga kwento at malimit ay tagabili ng meryenda, Siya rin ang unang nagsama sa akin sa panonood ng pelikula ni Sharon Cuneta, ang "Bituing Walang Ningning". Gayundin si Ate Bona na naging asawa ni Kuya Luding.
Pero bago ko makalimutan ay ang kauna-unahan kong maestro noong ako ay di pa nagbibinata. Si Kuya Sonny na pinaghahabilinan sa akin ng lola ko noong ako ay bata pa. Sa kanya ako natuto ng tamang paglilinis ng bahay, paglalaba, pamamalantsa. at iba pang gawaing bahay.
Bukod sa aking Lolo at Lola, sila ang mga nakatulong at nakalilok ng aking pagkatao. Sa buhay natin ay marami tayong nakikilala at nakakasalamuha, nagiging bahagi ng ating alaala at may naiiwang aral sa ating buhay. Hindi lahat ay kaya mong isulat at pasalamatan subali't sa ating pagtanda, ang pag-alala sa kanila ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na muling maging bata.

Comments
Post a Comment