ANG ANTING-ANTING NI ALFREDO
Marahil sa panahong ito ay marami na ang hindi naniniwala sa anting-anting. Subali't may mga nakakapagtakang katangian ang aking nakakababatang kapatid na si Alfredo kaya tuloy ang paniwala ng iba, pati na ang aking mga tiyuhin ay baka raw siya ay nasubuan ng Lola ko ng anting-anting. Bilang magsa-sanghiyang ay kilala sa aming baryo ang kakaibang kaalaman ng aking Lola kaya siya ay karaniwang kinukunsulta ng mga kamag-anak namin at knayaon kapag mayroong nagkakasakit sa kanilang pamilya. Sa tulong ng kanyang "timbangan" ay nagagawa niyang makausap ang mga espiritu at nuno sa punso na may mga hinihiling sa may karamdaman para sila ay gumaling.
Tungkol naman sa aking kapatid ay may kakaiba siyang katangian. Hindi niya nararamdaman ang tinik ng makahiya, isang uri ng halaman na may tinik at tumitikom ang mga dahon kapag nasasagi. Kahit pa matapakan niya ang makahiya ay hindi siya tintablan ng tinik nito. Bukod doon ay may kakaibang lakas siya na pati si Kuya Ising ay nagsasabi na tanging kay Fred lang siya nasasaktan kapag nagpapasuntok siya sa braso.
Noong isinilang ang pangalawa kong anak ay napag-alaman na siya ay may butas sa puso na kinailangang magamot upang di magdulot ng maagang kamatayan. "Type AB" ang dugo namin at kailangan ng maisasaling dugo sa oras ng operasyon. Isa sa mga nakuhanan ng dugo ay ang kapatid ko na si Alfredo. Tatlong beses ng naaksidente ang aking anak noong siya ay binata na, nagtamo ng malulubhang sugat mula sa pagkakahulog sa poste, pagkakahuhog ng kanilang sasakyan sa ilog na may 15 metro ang taas, at minsan any nasagasaan na rin siya ng tricycle, subali't bukod sa mga tinamong sugat ay hindi ko natatandaan na siya ay nagtamo ng mga galos. Namana kaya niya ang anting-anting ni Alfredo ?
Nakakatuwa mang isipin, kkung totoo ang anting-anting na naman niya sa aming Lola ay hindi rin maitatago na tulad namin ni John, mukhang takot din yata si Fred sa kanyang misis. Siguro sa susunod naming pagkikita ni Tess ay tatanungin ko siya kung may nakuha siyang pangontra sa Lola niya laban sa anting-anting ni Fred.

Comments
Post a Comment