Ang Maramot na Unggoy
Ang Maramot na Unggoy
Sa Afrika, may kakaibang pamamaraan ang mga taga nayon sa paghuli ng mga unggoy. Ang mga hayop na ito ay paborito ang kanin na karaniwan ay siya nilang ninanakaw sa mga kubo. Nakaisip ng paraan ang mga taga-nayon ng isang mabisang bitag upang sila ay mahuli ng hindi nasasaktan. Maglalagay sila ng bahaw na kanin sa loob niyog na may balat pa at lalagyan ito ng butas na eksakto lamang para sa kamay ng unggoy.
Iiwan nila ang mga bitag sa paligid ng nayon, may lubid na nakatali sa pinakamalapit na bahay. Karaniwan ay isang lupon ng mga unggoy ang pumupunta at dahil sa malakas na pang-amoy ng mga ito ay agad nila matutukoy kung nasaan ang bitag na may laman na kanin. Dudukutin nila ang kanin pero dahil sa nakasarado ang kanilang kamay ay di nila mailalabas ito at maaabutan sila ng mga tao na di makaalis sa bitag.
Kung bibitawan lang sana nila ang kanin ay madali silang makakatapos subali't dahil sa katakawan at pagiging maramot ay di nila maiwan ang kanin.
Iyan ang napapala ng mga matatakaw.

Comments
Post a Comment