ANG PABORITONG IKWENTO NI KUYA ISING

          Kinagisnan ko na mula pa sa aking pagkabata ang magandang samahan ng mga magpipinsan lalo na pagkakaibigan ni Kuya Ising at Kuya Natoy.  Gayundin ang iba nilang pinsan na sina Kuya Flor, Kuya Luding, Kuya Nado, Kuya Dante, Kuya Celso, at ang kanilang muse na si Ate Hening.      At siyempre ang ilang nakababata sa tropang Hooven, sina Teddy, Jake, Romeo at si ako. Lahat sila ay naging boarders ng aking Lolo kasama pa sina  Ate Nita, Laura, Ate Maring, Aida, Warly, Florito, Samson, Rudy, Amado, Mario, at iba pa Kung hindi namin kamag-anakan at kaibigan.

         Karaniwan kapag Sabado ng hapon ay nagkakatipon-tipon kami sa bahay ng Lolo at nagka-
kakwentuhan hanggang abutin ng hating-gabi. Sa aming lahat ay pinakamadalang na magkwento si Kuya Ising pero paminsan-minsan ay nauudyukan din naman namin na magbahagi ng kanyang mga karanasan. Ang paborito niyang ikwento ay si Kuya Rene o Kuya Natoy sa ibang kaibigan.

         Mabait na tao si Kuya Rene subali't dahil sa pagiging matapat niya sa trabaho sa Hooven Aluminum bilang checker, ay hindi maiwasan na kung minsan ay mayroon siyang nakakasamaan ng loob. Mahigpit niyang ipinatutupad ang kalidad ng mga produkto na ipapa-deliver sa mga kliyente ng pabrika, bagay na nagiging dahilan upang ang trabaho ng ilan sa "Fabrication Department" ay hindi maaprubahan. Minsan ay may nakagalitan siya sa mga ito at hinahamon siya ng away.

        Nagmamadali siyang umiwas dito at sumakay ng "Service Bus" pauwi. Sinundan siya doon ng kanyang kaaway, nguni't hindi alam ng huli na sakay din doon ang mga pinsan ni Kuya Rene na sina Kuya Ising, Kuya Flor, Teddy at Jake. Nang makita ni Kuya Rene na marami siyang kakampi at lumakas ang loob nito at binalikan ang nang-aaway sa kanya at hinihilang pababa sa sasakyan. Nakahalata ang kanyang kaaway at nakipag-ayos ito bago makarating ang bus sa Crossing. Hindi maiwasang hindi matawa ni Kuya Ising habang ikinu-kwento ang kanyang "matapang" na pinsan.

Comments

Popular Posts