Ang Paboritong Kuwento ni Kuya Luding

       Sa buhay ng isang pari bahagi na kung minsan ang kalungkutan kaya't natutukso rin silang umibig at magmahal. Sa mga nakaw na sandali ng pagtatagpo ay nagbunga kaya't isang araw umiiyak na kinausap ng babae ang pari tungkol sa kanyang kalagayan. Hindi nila batid ay matagal na pala silang nahahalata ng sakristan at upang makasiguro sa kanyang hinala ay umakyat ito sa puno ng mangga sa likod ng simbahan na karaniwang tagpuan ng dalawa. 

Dalaga   :  Padre, ano ang gagawin ko. Tatlong buwan na ang                           dinadala ko sa aking sinapupunan. Malapit ng mahalata
                 ni inay na ako ay nagdadalang-tao

Pari        :  Huwag kang mag-alala anak at lagi kang kasama sa 
                  aking mga dalangin. Hindi ka pababayaan ng nasa itaas.

Sakristan :  ( Na muntik ng mahulog ng marinig ang sinabi ng pari 
                      at sa pag-aakala na siya ang nasa itaas na itituro nito )
                    Aba, Padre, huwag ninyo akong idadamay diyan.
                    Gagawa-gawa kayo ng kalokohan pagkatapos ay ako
                       ang ituturo ninyo !


Comments

Popular Posts