Ang Pagbati ni Hubert

       Si Hubert ay isa sa mga pinakamalapit na kaibigan ng aking naging asawa na si Belen. Masayahin siya at malaki ang malasakit kay Belen. Noong malaman niya na kaming dalawa ay pagkakaunawaan na, katulad ng iba pang mga Relocation Division, ay isa siya sa mga lantaran ang pagtutol sa akin. Ayon sa kanya ay hindi kami nababagay sa isa't-isa na sinang-ayunin naman ng iba niyang mga kaopisina kabilang na si Merly, si Miriam, at ang kanilang puno na si Tita Eden.

      Pero talaga yatang ganon ang kapalaran, lalo lamang kaming nalapit sa isa't-isa at pagkaraan ng ilang buwan na pagiging magkasintahan ay napagkasunduan namin na magpakasal. Buwan ng Hunyo, taong 1987 ng kami ay pinagbuklod sa simbahang Katoliko ng Paco Park.  Masaya naman ang aming naging kasal at lahat sila ay nagsibati sa amin na sana ay maging maligaya ang aming pagsasama. Binati rin kami ni Hubert pero di ko makakalimutan ang kanyang mga sinabi.

Ang pagbati sa akin ni Hubert  :   " Congratulation Ed. Alagaan mong mabuti ang kaibigan
                                                         namin. Para kang tumama sa Lotto. " (sabay halakhak)

Lumapit siya kay Belen, kinamayan ito at saglit na tinitigan, at saka nagsalita :

                                    Hubert   :    " Belen, (nagbugtong-hininga), condolence !
                                                          Para kang nasunugan ng sampung pintong apartment."
                                                          ( Kasunod noon ay matagal na tawanan)

Sa matagal naming pagsasama, naging maligaya naman kami sa isa't-isa, at nasunugan nga kami noong 1993 pero nasa probinsiya na yata noon si Hubert kaya hindi siya kasma sa mga suspect. Anyway, hanggang ngayon ay natatawa pa rin kami kapag naaalala namin si Hubert.

Comments

Popular Posts