Ang Perpektong Android

                  Ang Perpektong "Android"

       Dahil sa lumalang kalagayan ng mundo napagkaisahan ng United Nations na mag-disenyo ng isang perpektong robot o "android" na maaari nilang magamit kung sakaling may mga bansa na magkaroon ng malaking suliraning bayan at kinakailangan ng mapapagsasangunian. Agad na na tinipon ang lahat ng mga batikan at matatalinong siyentipiko o "scientist" upang mapag-usapan kung paano bubuuin ang "perpektong android."

       Ang bansang Hapon ang unang naghain ng panukala at iminungkahi na upang ang andriod ay maging matibay at walang kapaguran, kinakailangan itong bigyan ng kabuuang katawan na katulad ng isang atleta.  Agad namang sumang-ayon ang nakararami at napagkasunduan na gamiting hambingan ang isang manakbo ng marathon.

       Ang sumunod na napag-usapan ay ang "utak" na pagtutularan. Agad na nagmungkahi ang bansang Germany na dapat ay lagyan ito ng kaisipan ng isang arkitekto, may pananaw ka hinaharap at may angkop na karungan upang ang isang payak na parang ay madisenyuhan ng mga gusali, tulay at iba pang pangangailagan ng isang bagong sibilisasyon. Nagpalakpakan ang mga deligado at agad na nagsipang-ayon sa mungkahi ng Aleman.

       Nang mapag-usapan naman ang pananalita ay agad na napagkasunduan na ihalintulad ito sa isang "guro" upang may sapat na galing sa pagpapaliwanag at pagpapahayag ng anumang bagay na nais nitong ipaliwanag. Gayundin ng isunod ang sumunod na mungkahi na bigyan ito ng kamay na tulad ng isa siruhano o "surgeon" upang kahit na gaanong kaselan na bagay ay maaari nitong hawakan.

       Halos buo na ang "android" maliban sa isang kulang na ang lahat ng delegado ay hindi mapagpasyahan kung saan kukunin ang "puso" na ilalagay sa android. May nagmungkahi na ilagay dito ay mula sa isang pari subali't marami ang tumutol sapagka't iba ang pagtingin nito sa nanampalataya sa ibang relihiyon. Ayaw ding pumayag ng nakararami ng imungkahi na puso ng isang pulitiko ang ilagay sapagkat ito raw ay mapagkunwari. 

       Subali't pagkatapos ng mahabang talakayan, may namuong kasunduan ang lahat ng napanayam - bigyan ang "android" ng puso ng isang bangkero sapagkat ito ay matigas at walang isinasa-alang-alang kahit may mga taong masasaktan kapag kinakailangan nitong magpasya. Tanging ang kapakanibangan lamang ang puso ng isang bangkero ang mahalaga kahit maging dahilan ito ng kasawian ng iba. 

Comments

Popular Posts