ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA
Sa isang munting pondahan sa bayan, dalawang magsasaka ang nagtatalo tungkol sa katotohanan ng itinuturo sa kanilang relihiyon. Lingid sa kaalaman nilang dalawa ay may isa pa palang magsasaka ang nakikinig at hindi nakatiis na di makihalo sa usapan. " Alam ninyo, 40 taon na akong nagdadala rito ng palay para ipakiskis. May dalawang daraanan papunta rito, pero kahit kailan ay di ako tinanong ng may-ari ng pakiskisan kung saan ako dumaraan. Ang tanong niya lang sa akin ay , " maganda ba ang palay na dala mo ? "
Aral : Ang tunay na relihiyon ay nakikita sa gawa at hindi sa salita.
Comments
Post a Comment