BAGONG TAON, BAGONG KUROT

          Ang paputok ay isang simbulo ng pagdiriwang ng Bagong Taon. Bagong lipat din kami noon sa Guadalupe at wala pa kaming gaanong kakilala sa aming mga kapitbahay. Dahil malapit na angbagong taon ay marami na ang nagpapaputok subalit mahigpit na ipinagbabawal ng aming ina ang gumamit ng paputok bilang pag-iingat sa disgrasya.

          May ikalawang palapag ang aming tirahan at may terasa ito. Ang lolo at lola namin ang natutulog sa itaas malapit sa terasa at sina ama at inay naman ay sa ibaba nagpapahinga. Isang araw ay nag-uwi ng isang kahon na paputok ang aming pinakamatandang kapatid at ang sabi ay hintayin lamang namin na makatulog sina inay para hindi kami mamalayan habang nagpapaputok sa terasa.
Halos mag-iika-11 ng gabi ng magpasimula kaming magsindi ng labintador.

          Datapwa't di pa kami nakakarami ng napapaputok ay nagulat na lang kami ng dumating si inay at kami ay pinagalitan. Itinapon niya ang labintador sa kalsada at kinurotsi Ate Norma. Nang makababa si inay, galit na hinarap ni Ate Norma ang Lolo at sinumbatan kung bakit hindi may lang kami binalaan na parating na si inay. Tawa ng taw ang Lolo at nagtakip ng kumot at pabirong sinabi, " Ayaw ko nga, eh pati ako ay makurot. "

         Kaya napurnada ang aming bagong taon ...bagong kurot.

Comments

Popular Posts