Isa Pang Kwentong Pari ni Kuya Luding

       Ang  Lasing  sa Kumpisalan

       Ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng isang pari ay ang makatulong sa mga may kasalanan na ihingi ng tawad ang kanilang maling nagawa sa pamamagitan ng pangungumpisal.

      Isang araw habang tahimik na nagdarasal sa altar si Padre Lazaro ay napansin nito ang isang susuray-suray na lalaki na dahan-dahan na pumapasok sa kumpisalan. Mula sa kinalulugaran ng pari ay nakita niya ang pagkabalisa ng lasing na lalaki. Nag-krus siya bilang pagtatapos ng kanyang dasal at pumasok sa kumpisalan para pakinggan ang sasabihin nito.

Padre Lazaro  :   Anak, napansin ko na parang may mabigat na
                           bumabagabag sa iyo, bayaan mong matulungan                                 kita.

Lalaki             :   Ipagpatawad ninyo Padre pero talaga pong hindi                               ko na matiis.  Eh, meron po ba kayong toilet                                     paper? ( Napagkamalan pala niyang toilet ang
                                           kumpisalan )

Moral of the story -  Hindi lahat ng nasa kumpisalan ay nagkasala.

Comments

Popular Posts