MAY BAGO NG SALAMIN SI LOLO
Likas na mabiro sa babae ang Lolo Iko at isa sa kanyang nakakatuwaang biruin ay ang bagong Optometrist na si Terry. Maganda si Terry, maputi ang kutis at sanay na makipagbiruan sa mga lalake. Isang araw ay nagpasama sa akin si Lolo na magpasukat ng salamin sa mata dahil napapansin niya na lumalabo ang kanyang paningin.
Pinaupo siya ni Terry sa silya at nagsimula ng ipabasa ang mga nakasulat na letra sa dingding.
Nagsimula sa vision 20/20 at ng di mabasa ay ituro naman ang magmalaking mga letra sa itaas nito. Muli ay hindi rin nabasa ng Lolo kaya ang nasa itaas pa na mas malalaking letra ang ituro ni Terry.
Ng hindi pa rin ito mabasa ng Lolo ay itinuro na ang pinakaitaas at pinakamalaking letrang "E."
Nagtaka si Terry dahil para na raw bulag ang paningin kung bakit di pa rin mabasa ng Lolo ang pinakamalaking letra. Di ko maiwasan na hindi matawa sa pangyayari. Nagtaka ang Optometrist at sinabi ko na talagang hindi yon mababasa ng Lolo dahil hindi ito marunong bumasa. Tumawa na rin ng malakas ang lolo at ang sabi, " Hindi mo naman kasi itinanong kung marunong akong bumasa."
"Hay naku Lolo, naisahan mo ako." ang sukling salita ni Terry sabay ngiti.

Comments
Post a Comment