No Read, No write, Pero Very Bright
Ang aking Lolo sa ina ay di nagkaroon ng pagkakataon na mag-aral kaya di rin siya natutong bumasa at sumulat. Sa murang edad na 17 ay naki-usap siya sa kanyang ama na bahagian siya ng kabuhayan nito para may magamit siyang pasimula sa pangingibang bayan. Tatlo silang magkakapatid, siya ang pangalawa, at nais niyang mapa-iba ng kapalaran. Namasukan siya bilang isang katulong sa bukid sa kabilang bayan na sa bandang huli ay pinalad na mapangasawa ang anak ng kanyang pinagsisilbihan.
Binahagian sila ng sariling lupain at mula doon ay pinagsikapan niya itong mapaunlad hanggang sa inabot sila ng ikalawang digmaang pandaigdig. Bata pa noon ang aking ina at nang matapos ang digmaan ay ikinasal siya sa aking ama, na noon ay 17 gulang, sa murang edad na 13. Nabiyayaan sila ng 8 anak, ako ang ika-apatkasunod ng tatlong babae. Ang aking kamusmusan ay sa piling ng aking Lolo at Lola ginugol bago ako kinuha ng aking mga magulang na noon ay naninirahan sa Maynila, upang doon mag-aral. Tuwing bakasyon ay umuuwi kami ng Cavite upang doon maghintay ng pasukan.
May isang karanasan ako sa piling ng aking mga lolo at lola noong di pa ako nag-aaral na hindi ko makakalimutan. Bagama't hindi marunong magsulat at bumasa ang aking Lolo siya ay marunong namang magbilang at di madaling madaya sa pagku-kuwenta ng halagang kalakal. Buwan-buwan ay nagkakalakal siya niyog at iba pang prutas na naaani mula sa aming lupain para iluwas sa Maynila. Kung minsan ay umaangkat kami sa iba mas marami ang mailuwas na paninda. Matapos ibenta ang mga kalakal ay mamimili naman siya ng iuuwi sa probinsiya at karaniwan ay may pasobra ito para sa mga kamag-anak.
Minsan naitanong ko sa kanya, "Bakit mo sila ibinili ng asukal at mantika wala naman silang ipinadalang pera ? " Simple lang ang naging sagot ni Lolo, "Sobra sobra sa atin ang kinikita ng lupa, mas mabuti na ang nagbibigay kaysa ikaw ang tumatanggap." Hindi ko noon pinansin ang mga sinabi niya, lagi din naman akong may bagong laruan at masarap na pagkain sa tuwing magluluwas kami ng kalakal.
Ngayong wala na sila ng lolo at lola at dumanas din naman kami ng kahirapan ay saka ko muling naalaala ang mga sinabi niya. Ang mga taong tumulong sa amin noong kami ay nangangailangan karamihan ay ang mga tao rin kanyang natulungan. Sa Pag-ikot ng mundo at paglipas ng panahon, ang mga naging anak at kamag-anakan ng mga taong hinahatiran ko ng mga padala ng lolo, mga taong nakikigamit ng aming gilingan at naghihiram ng ilawan Coleman, ay siya rin nakangiting nangungumusta sa akin kapag ako'y kanilang nakikita.
Salamat sa aking lolo at lola, kahit di ako palakamag-anak ay marami ang nagturing sa akin na kabilang sa kanilang pamilya.

Comments
Post a Comment