ANG LOVE STORY NI LOWIE AT FRANK
Ladislawa at Francisco, alias Lowie at Frank sa mga kabataan. Isang "love story" na inabot ng mahigit na limampung taon bago sila pinaghiwalay ng tadhana. Saksi ako sa maganda nilang pagsasama, mula pagkabata hanggang sa mga huling oras ng kanilang buhay. Siguro 'yon ang naging kalamangan ko sa aking mga kapatid, higit na mahabang panahon ko silang nakapiling.
Nag-iisang anak ang aking ina at pang-apat ako sa kanilang naging apo pagkatapos ng tatlong sunod-sunod na babae. Dahil sa unang lalake sa pamilya, halos nabuhos sa akin ang layaw na hindi gaanong naranasan ang aking mga nakakatandang kapatid. Linggo-linggo ay hindi nakakalimutan ng aking Lolo ang pasalubong sa akin na laruan o bagong damit samantalang ang Lola naman ay lagi akong isinasama sa tuwing siya ay mayayaya sa mga padasal at pasanghiyang.
Mula sa aking kamusmusan ay hindi ko natatandaan na sila ay nagkaroon ng pagtatalo. Naging sunod-sunuran ang aking Lola sa mga kagustuhan ng Lolo at ang Lolo ko naman ay hindi nagpapabaya sa pag-aasikaso sa kanya. Sa tuwing maglu-luksuhin ang Lolo ay bumibili siya ng paboritong ulam ng Lola, ang isdang tanigue , at siya rin ang nagluluto nito. Wala pang "refrigerator" noong araw kaya piniprito niyang lahat ang isda at inilalagay sa basket na nakasabit naman sa may kisame. Karaniwan nga ay ang lolo rin ang naghahain ng pagkain at makikita mo ang tapat niyang pag-aasikaso sa Lola.
Kapag may bisita ang Lolo na mga kahanggan o kamag-anak ay ang Lola naman ang nag-aasikaso ng me-meryendahin o di kaya ay ng pananghalian o hapunan. Hindi man siya nakikihalo sa usapan ang lagi siyang naka-upo sa may kusina upang mag-asikaso nang kung anumang kailangan habang nagkakasarapan ng usapan. Kami namang mga bata ay nasa isang sulok at malayang nakakapaglaro, o makinig basta't huwag lamng makikisali sa usapan.
Ang tanging pagkakataon na natatandaan ko na napagsalitaan ng Lola ang aking Lolo ay noong nagalit ito ng tumaga sa aming alagang baka. Nasigawan ng Lola ang Lolo ng bubuksan sana nito ang baul para kunin ang nakatagong baril. May hinala na ang Lolo kung sino ang gumawa noon pero napigilan siya ng Lola at pinagsabihan na huwag magpadala sa galit dahil yon talaga ang gusto ng gumawa noon. Napahupa naman ang galit ng Lolo at bagama't may hinala siya kung sino ang gumawa noon ay ipisa-Diyos na lamang niya ang lahat.
Kung mayroon mang higit na minahal ang Lolo ay iyong ang aming ina. Bagama't tutol ang Lola na ibenta lahat ng lupain namin sa Sinaliw ay nangibabaw pa rin ang Lolo sa kagustuhan nito. Kahit na kung sino-sino pang mga kamag-anak ang nagpayo sa kanya na huwag ibenta ang bahay at sular ay hindi ito nagpapigil sa pagnanais na mapagbigyan ang pakiusap ng aming ina na makapagpatayo ng apartment sa nabiling lote sa Guadalupe.
Subali't iba ang lunsod sa kanayunan. Sa nayon ay malayang nakakagala ang Lola kahit anong oras niyang naisin, isang bagay na hindi niya nagagawa sa bago naming tirahan. Naging sunod-sunuran sila sa kanilang anak na sa kalaunan ay naging dahilan ng hindi pagkaksunduan kaya nagpasya ang Lolo na bumukod. Lumipat sila sa isang pinto ng apartment at nagpatira ng mga "boarders", hindi dahil lamang sa kinikta kundi para mapagbigyan ang mag kagustuhan ng Lola.
Kahit nasa siyudad na kami ay marami pa rin ang dumadalaw sa Lolo at Lola, at nakasanayan na ng Lola na kahit paano ay makapagbigay ng tulong sa mga lumalapit sa kanya. Kahit paano ay nagkaroon ng sariling tahanan ang mag Lola sa ginawa nilang pagbukod at hindi na sila naninimbang sa mga ikinikilos.
Noong lumipat sila sa kabilang apartment ay lalo akong napalapit sa mga Lolo at Lola, utusan kapag mayroon silang kailangan, at mas marami pati akong kakuwenthan dahil sa ng mga nakatira sa kanila ay mga tiya at tiyuhin na lahat ay nagpapakita sa akin ng giliw. Hindi halos lumalabas ng bahay ang Lola at ang tanging tanawin lang niya na nakikita ang "mundo" sa labas ng magkabilang bintana. Sapat na sa kanya nag nandoon kami at hindi pinababayaan ng Lolo ang kanyang mga pangangailangan.
Nakatapos na ako ng aking pag-aaral ng dapuan ng karamdaman ang aking Lola at napagpasyahan na bumukod muli sila at sa pagkakataong iyon ay sinamahan ko na sila. Tuwing gabi ay naririnig ko ang pagdaing ng aking Lola pero sinabihan nila ako na, "Hindi ka naman doktor at di mo ako mapagagaling. Matulog ka nalang at gigisingin ka na lang namin kapag kami ay may kailangan."
Kakaibang sakit ang dumapo sa Lola, hindi kayang gamutin ng doktor. Ang naging hiling lang niya ay sana bago siya pumanaw ay makita niya ang panganay niyang apo at ang unang apo sa tuhod na pareho namang nagkaroon ng katuparan. Makalipas ang ilang buwan pagkatapos dumalaw sa kanya ang aking panganay na kapatid at ang asawa nito ay binawian siya ng buhay.
Patuloy ko pa ring sinamahan ang Lolo sa kanyang pag-iisa subali't naramdaman ko na hindi rin siya magtatagal at igugupo siya ng labis na kalungkutan. Nadaratnan ko siyang gising pa kahit malalim na ang gabi sa aking pag-uwi mula sa trabaho at sa umaga ay nagigisnan ko na siyang nagwawalis ng paligid. Ang dati na masayahing Lolo ay kalimitan ay nakatanaw na lang sa bintana kapag tapos na siyang magwalis ng paligid. Pagkain na inihain ay di gaanong nababawasan at kahit ang mga kuwento ko ay di nakagamot sa kanyang kalungkutan.
Wala pang isang taon ay pumanaw din ang Lolo, hindi dahil sa karamdaman, kundi dahil sa labis na pangungulila. Ewan ko kung totoo ang sinasabi ng mga nakapansin sa kanya noong siya ay nakalatag sa kabaong - higit na maaliwalas daw ang kanyang mukha at parang may baong ngiti sa kanyang libingan.

Comments
Post a Comment