ANG PABORITONG KUWENTO NI ATE MITA
Isa sa pinaka-nakakatuwang pasyalan ay sina Kuya Ising at Ate Mita. Napamaasikaso nila at laging may masarap na pagkain para sa mga bisita. Laging bukas ang kanilang tahanan kahit bumisita ka ng walang pasabi at minsan ay nagawi kami roong magkakapatid ng araw ng Biyernes Santo.
Isa sa mga tradisyon ng Biyernes Santo ay ang magpinitensiya, sa pamamagitan ng paglalakad papunta ng bayan ng Antipolo para doon ay magsimba. Taong 1981 noon at napagkasunduan naming magkakapatid, ako, si Fred, si Fernando, at si John na 10 taon pa lamang noon, na maggsimba sa Antipolo. Noong una ay napakasigasig ng aming paglalakad lalo na si John na patakbo-takbo pa kung minsan. Subali't habang papalayo na ang aming nararating ay unti-unti na tumatamlay ang aming pinakabatang kapatid.
Nang makarating kami sa Junction ng Cainta ay naupo na Jhn sa bangketa at kahit kunwari ay iniwan naming tatlo ay ayaw na talagang lumakad. Nagpasya ako na tutal ay nandoon na rin lang kami ay dumaan na paunta sa bahay nina Kuya Ising na ilang kanto na lamang ang layo doon. Masaya naman kaming tinanggap ng pamilya at habang nagkakainan ay may naikuwento sa amin si Ate Mita na akin pang naaalala.
Si Kuya Ising ay palakaibigan maging sa kanilang mga kapit-bahay. Kapag umuuwi siya mula sa trabaho ay hindi niya nakakalimutan na battiin ang sinumang kakilala na madaanan nito. Minsan daw ay natanaw siya ni Ate Mita na humahangos at halos patakbo na lakad pauwi. Nalampasan pa nito ang mga kapitbahay na nagkukuwentuhan at dire-diretso sa "gate" ng bakuran. Agad daw niyang pinagbuksan ito ng pinto at tinanong kung bakit nagmamadali pero nilampasan lamang siya ni kuya Ising. Dumiretso ito sa palingkuran at doon lamang niya napagtanto na tawag pala iyon ng kalikasan. Ang akala raw niya ay napa-away ito.
Mahirap makalimutan si Ate Mita dahil sa bukod sa kabaitan nito ay dala pa rin niya ang ugaling kinagisnan sa probinsiya. Dahil natatandaan ko rin noong ako ay bata pa ay nagpapasyal din kami sa kanila ng nakatatanda kong kapatid na babae kapag may Flores De Mayo para manghingi ng bulaklak. Natatandaan ko rin na ang Tatay Iko ang namagitan at kasama sa mga namanhikan sa kanila para kay Kuya Ising.
Marami pa kaming napag-kuwentuhan pagkatapos noon at pagkaraang magpahinga ay hindi na rin namin napilit si John na maglakad. Kaya napagpasyahan na lang namin na sumakay na lang pabalik. Sa aking pagka-alala ay iyon na yata ang kahulihang pagkakataon na nagkasamasama kaming magkakapatid sa lakad.

Comments
Post a Comment