ANG SIKRETO NG NANAY LAWA
Malaki ang naging pagbabago ng buhay ng Lolo at Lola ng matapos na maipagbili
ang kanilang bahay at lupa sa Cavite. Ang dating malawak na lupain at tahimik na
nayon ay napalitan ng masikip na apartment at maingay na siyudad. Pitumpong taon
din siya sa nayon na kinamulatan kaya't hindi na niya nai-angkop ang kanyang sarili
sa bagong kapaligiran. Tanging ang dalawang bintana sa magkabilang panig ng
apartment ang naging koneksiyon sa ibang daigdig na kanyang nilipatan.
Bagama't hindi niya naging ugali ang lumabas ng bahay, hindi mo siya makikitaan
ng kalungkutan o pag-aaalala. Maging ang panonod ng telebisyon ay hindi niya
nakawilihan at ang luma niyang radyo pa rin ang naging tangi niyang libangan.Halos
araw-araw naman ay doon ako sa kanila nagpapaabot ng gabi at bagama't hindi siya
gaanong nakikihalo sa aming usapan ay nakikinig naman siya sa aming mga kuwento.
Minsan ay natanong ko siya kung bakit halos ay hindi na siya lumalabas at kuntento
na lamang siyang namimintana. Nakangit siyang nag-kuwento sa akin :
" Matanda na ako at hindi ako sanay sa ingay ng mga sasakyan at matataong lugar
katulad dito. Sa nayon lahat ng tao ay kakilala mo at ang mga nakababata na makita
mo ay agad na nagmamano kapag ikaw ay nakasalubong. Lahat ng makasalamuha
mo ay nakangiti at nangungumusta. Dito ay wala kang kakilala at pati kapit-bahay
mo ay do mo alam ang pangalan. Ang mga bata ay walang pakialam kahit masagi
ka sa daanan at lahat ng tao na makita mo sa kalsada ay nagmamadali. "
" Masaya ang naging buhay ko sa probinsiya at sa malaon ay mawawala na rin kami
ng Lolo mo. Wala akong dasal kapag umaga pagkagising kundi - "Kayo na po ang
makapangyayari sa lahat". Noong giyera, mahigit tatlong taon din kaming hindi
tiyak kung may makakain ba kami kinabukasan. Kapag umaalis ang Lolo mo sa
dapit-hapon para maghanap ng makakain aynagdadasal ako na sana ay makabalik
siya ng ligtas. Kapag nakaranas ka nang ganoong buhay, walang malungkot na
araw, walang hindi masarap na pagkain. "
" Noong gustong ibenta ng Lolo mo ang lupa sa Cavite ay gusto ko sana ay itira
man lang ang solar at bahay. Pero kailanman ay lagi lang akong naging sunod-
sunuran sa iyong Lolo. Alam ko naman na kahit ano ang mangyari ay hindi niya
ako pababayaan. Nuong tag-gulo ay hindi siya halos nakakapagpahinga para lang
mabantayan kami. Araw-araw ay umaalis siya at bumabalik ng may dala para sa
amin. Kaya araw-araw ay namimintana ako para bantayan ang pagdating niya."
" Masaya ang aming naging buhay noon at bina-balik-balikan ko na lang kapag
ako'y nalulungkot. Nalulungkot lang naman ako kapag nakikita kong nahihirapan
ang iyong ina, pero alam ko naman ay darating ang araw na magbabago ang lahat
nang yan kapag tapos na kayong lahat sa pag-aaral. "
Kahit noong mga huling araw niya ay hindi mo rin siya makikitaan ng lungkot.
Natupad naman ang mga dalangin niya para sa amin. Nahawakan niya sa kanyang
kandungan ang unang apo sa tuhod na si Paulo at muli niyang nakita ang kanyang
pinakamamahal na unang apo na si Ate Norma pagkatapos ng halos sampung taon
na pangingibang-bayan.
Sayang nga lamang at hindi na niya nahintay ang pagkakaroon ko ng pamilya. Pero
sa mga taong naniniwala sa muling "paglutang ng kaluluwa" ay napuri naman niya
ang kanyang magandang manugang noong minsan na "lutangan" ang kanyang
kapatid ilang buwan pagkatapos na kami ay makasal.
Ang sikreto ng Lola kaya siya ay laging masaya - punuin mo ng masayang alaala
ang iyong buhay. Ang mga malungkot at masakit na pangyayari sa iyong buhay ay
kalimutan, at ang unang hakbang upang mabaon siya sa limot ay huwag mo na
siyang sariwain. Habang isinasalaysay mo siya ay muli mo ring mararamdaman
ang sakit na dinanas mo lalo na kung hindi mo mapatawad ang sumugat sa iyo.

Comments
Post a Comment