TUMAWA NAMAN TAYO
# 1.) Isang bangkay ang dinala sa Morgue, tinamaan ng kidlat, kaya sunog na sunog at
hindi na makilala ang bangkay. Ang pangyayari ay naganap sa Japan.
Embalsamador : "Pasabihan ninyo ang Philippine Embassy para ma-identify ang
bangkay"
Personnel : " Paano mo naman natiyak na Pilipino ang bangkay eh sunog na
sunog, at wala namang puwedeng pagkakilanlan.? "
Embalsamador : " Pilipino yan, sigurado ako. Nakangiti siya. Akala siguro nuong
may kumislap may kumukuha ng litrato. "
#2.) Isang bata ang nasagip mula sa pagkakalunod ng isang kinikilalang baliw sa kanilang
nayon. Agad siyang itinuring na bayani sa kanilang bayan, subali't kinabukasan ay
dinampot ito ng pulisya sa kasong "second degree homicide" o di sinasadyang
pagpatay.
Imbestigador : " Bakit mo binigti ang bata ? Ano ang kasalanan niya. "
Baliw : " Wala naman po. Kaya lang ho ay basang-basa siya kaya
isinampay ko muna bago ko inihatid sa nanay niya. "
#3. ) Isang kilabot na kriminal ang nasukol na nagtatago sa isang building. Agad na
pinakalat ang lahat ng mga tauhan ng pulisya sa palibot upang huwag makatakas
ang kriminal. Subali't sa kabila ng lahat ay nakatakas pa rin ito, kaya galit na
galit ang Kapitan habang inuusisa ang mga tauhan nito kung ano ang nangyari.
Kapitan : " Ano ang nangyari, bakit nakatakas ang "suspect". Di ba nag
order ako sa inyo na bantayan ang lahat ng "Exit? Paano
nakalabas ang hayop na yon ! PO1 Tupido, hindi ba ikaw
ang nakabantay sa harapang daanan,
Paano nakadaan don ang suspect ? "
PO1 Ed S. Tupido : " Sir, nakabantay naman po ako sa "Exit". Di ko siya
nakita noong lumabas. "
Kapitan : " Paano nga siya nakalabas kung nakabantay ka doon ? ",
galit na galit na tanong nito.
PO1 Ed S. Tupido : " Sir, baka po doon lumabas sa " Entrance"

Comments
Post a Comment