TUMAWA ULI TAYO # 3

**  ANG NASASAKDAL :

      Isang 75 anyos na matandang lalaki ang inakusahan ng pang-gagahasa ng isang
      dalaga. Para makakuha ng simpatiya sa husgado ang matanda ay kumuha ito ng
      babaeng abogada para siya ay ipag-tanggol. Kasama sa pagtatanggol ng abogada
      ay ipakita sa husgado na dahil sa edad nito ay wala na siyang kakayahan na
      magawa ang krimen.

      Pinatayo ng abogado sa harapan ang matanda at pinapag-hubad ng pantalon.
      Hinawakan ng abogada ang ari ng matanda at ipinakita sa hukom at saka
      nagsabi, " Makikita ninyo na sa kalagayan ng nasasakdal na hindi na niya
      magagamit ang kanyang ari upang mapagsamantalahan ang babaeng nag-
      aakusa sa kanya ! "

      Nagkaroon ng panadaliang katahimikan sa loob ng hukuman. Subali't
      nabahala ang matanda kaya binulungan niya ang kanyang abogada,
      " Dali-dalian mo Attorney at matatalo tayo. "


***  NAG-IISANG MATAPANG

      Dahil sa nakaraang malakas na lindol, marami ang mga namatay at halos
      ay sabay-sabay na pumapasok sa langit. Upang hindi magkasik-sikan,
      naisipan ni San Pedro na magtatlong pila ang mga kaluluwa : isang pila
      para sa mga babae, isa para sa mga lalaking takot sa asawa, at isa pang
      pila naman para sa mga lalalking hindi naman takot sa asawa.

      Napuno ng pila ang linya para sa mga babae at mga lalaking takot sa
      asawa at tanging si Juan lamang ang pumila sa linya ng hindi takot sa
      asawa. Napagalitan ni San Pedro ang mga lalaking takot sa asawa at
      puring-puri naman nito si Juan.

      San Pedro   :  " Kahanga-hanga ka Juan. Isa kang tunay na lalaki.
                               Mabuti naman at kahit paano ay mayroong isang
                               lalaki na tulad mo - hindi kayang underin !
                               Ano ang masasabi mo Juan. "

      Juan            :    " Wala naman po. Basta ang sabi ng misis ko, dito
                                   ako pumila. "


*** NAPIKON SA RAPIST

     Pulis       :  " Mabuti na lang at hindi natuloy ang pangga-gahasa sa inyo.
                          Pero bakit naman kailangan pa ninyong saksakin eh hindi
                          naman niya itinuloy? "

     Lola         :  " Paano naman. Noong hawak na niya ang kamay ko, sumigaw
                           siya ng "joke, joke, joke" , eh hindi naman ako nakikipag-
                           biruan sa kanya. "


*** ANG  BATA  TALAGA

      Nanay     :  " Bakit ba ayaw mong magpapaligo sa yaya mo ? "

      Bata         :  " Eh kasi po noong pinaliguan ni yaya si Daddy, kinagat ni
                             yaya 'yong "bird" niya. "


***  DIEGONG  TAGA

     Totoy   :   " Bakit po kayo tinawag na Diegong Taga ? Wala naman peklat
                        o di kaya ay hawak na itak ? "

     Diego   :   " Alam mo kasi, sa bahay ... ako ang taga-luto, taga-laba, taga-linis,
                        taga-plantsa at tag-pamalengke. "

Comments

Popular Posts