ANG PABORITONG KUWENTO NI LOLO
Walang bisyo ang aking Lolo. Hindi siya naninigarilyo, umiinom ng alak, nagsusugal, maliban
na lamang sa paminsan-minsan na pagsasabong. Hindi rin siya gaanong makuwento pero
mahilig siyang maki-umpukan para makinig sa mga pinag-uusapan. Subali't may isang
kuwento siya na natatandaan ko tungkol sa kanyang buhay.
Mga ilang taon pa lang silang kasal ng Lola nang makakita raw siya ng batang abnormal na
sinusubuan ng magulang para makakain. Sa loobin daw niya ay naitanong niya sa kanyang
sarili. "Ang bata kayang ganito ay mahal pa ng magulang ?" Wala naman daw siyang napagbanggitan nito kaya hindi niya bukod akalain na susubukan siya ng tadhana.
Makalipas ang ilang taon ay nagsilang ang Lola ng isang sanggol na babae. Tanging hilot
lamang ang nagpaluwal nito kaya hindi mila ,matiyak kung bakit pagkaluwal nito ay tanging
iyak lamang ang kaya nitong gawin. Simula sa leeg pababa ay hindi naigagalaw ng sanggol
ang kanyang kamay at mga paa. Noon daw niya naalala ang naitanong niya sa kanyang sarili.
Mahal na mahal nila ang bata at maingat nila itong inalagaan hanggang sa bawian ito ng
buhay sa pagsapit ng ika-pitong gulang nito. Hindi lang sa akin ito naikuwento ng Lolo
kundi maging sa mga iba ring pamangkin at kamag-anak na nais niyang paalalahanan.
Kaya pala ibinuhos nila ng husto ang pagmamahal sa aming ina at buong pasalamat sa
Diyos na biniyayaan din sila ng maraming mga apo.
Ang isa ko pa ngang naaalala sa kanya ay ang pagiging mahinahon. Ilang beses ko rin narinig
ang kuwento na may naghamon sa Lolo ng tagaan at pilit siya hinaharangan sa daraanan
subali't hindi niya ito pinatulan. Noong sinasabihan siya ng kanyang mga kakuwentuhan na
sana ay pinatulan na lang niya para madala at matauhan ang nanghahamon sa kanya ay
banayad niyang sinagot ang mga ito ng pabiro, "Hindi pa niya siguro nararanasan ang
mataga. Yong magpatuli nga ay napakasakit na, eh di lalo pa ang mataga !"
Para sa akin ay labis-labis na pag-aalaga ang naranasan ko sa kanya noong ako ay bata pa.
Kahit nga bagong saing ang kanin ay isinasangag niya ito dahil sa paborito ko ang sinangag
na kanin. Halos linggo-linggo ay may pasalubong siya sa akin kapag siya ay namamalengke
sa Luksuhin. Pinapasan pa nga niya ako sa kaniyang balikat kapag pagod na ako sa
paglalakad. Pero pinapalo rin naman niya ako kapag may nagagawa akong mali.
Isa lang naman ang laging paala-ala niya sa akin - huwag manlalamang sa kapwa, tumulong
kapag may magagawa at laging manalangin sa Diyos.

Comments
Post a Comment