LUPA ANG HANGAD, SA LUPA NASADLAK

Isang maikling kuwento na halaw sa panulat ni Leo Tolstoy --

HOW MUCH LAND DOES A MAN NEED

Noong unang panahon, sa isang munting kaharian sa kapatagan ng islang Samar,
may isang alipin na tapat na naglilingkod sa kanyang punong Datu. 
Simula sa pagsikat ng araw hanggang sa dapit hapon ay matiyaga niyang
sinasaka ang isang ektaryang  palayan na itinuka sa kanya para pagyamanin.
Sa lahat ng lupa na nasasakupan ng Datu ang kanyang palayan ang laging may 
pinakamaraming ani bagama't binabagahian lamang siya ng ikasampung parte ng ani
upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Dahil sa matapat niyang paninilbihan, ipinagkaloob sa kanya at sa kanyang asawa at mga
anak ang kanilang kalayaan, gayundin ang pag-aari sa lupang kanyang sinasaka ng kanilang
Datu bago ito pumanaw. Mula ng igawad sa kanya ang karapatan sa lupa ay lalo siyang nagsipag.
Sa tuwing siya ay aani nagtatabi siya ng kalahati at pagkaraan ng isang taon ay nabili niya ang 
karatig na sakahan. Taon-taon ay ginagawa niya ito hanggang naging isa siya sa mga nakakariwasa
sa kanilang barangay. Ang bawa't anak niya ay may sarili na rin lupain at may mga alipin na siya
upang sakahin ang kanyang malawak na pataniman.

Natupad na niya ang pangarap niya noong siya ay isa pa lamang na alipin subali't ngayon na 
malaya na siya at nakakariwasa sa buhay ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng ganap na 
kasiyahan. Patuloy siyang naghahanap ng mg lupain pa maaari niyang mabili. 
Minsan ay may nagbalita sa kanya na sa kapatagan ng Mindanao ay may isang Rajah na
nagbebenta ng malawak na lupain sa halagang 50 pirasong ginto. 
Sa ganoong halaga ay maari ka nang magkaroon ng kahit na gaano kalaking lupain
na kaya mong masaklaw sa loob ng isang araw.

Bagama't halos limampung taong gulang na siya ay hindi niya pinalampas ang pagkakataon.
Naghanda siya sa ng kanyang mga kailangan sa kanyang pagpapalaot at ipinagbilin sa mga
anak ang pamamahala ng kanilang mga lupain. Dala ang halagang kailangan at nagsama
siya ng dalawang alipin upang taga-buhat ng kanilang mga gamit para sa malayong 
pag-lalakbay. 

Pagkaraan ng ilang araw ay narating nila ang kaharian ng Rajah at matapos tanggapin ang 
kanyang kabayaran ay ipinaliwanag sa kanya ang nararapat niya gawin para magkaroon
siya ng karapatan sa lupa. Bingyan siya ng apat na tulos na may bandiritas bilang
pananda sa bawat hangganan ng lupain na kanyang sasakupin. Magsismula siya sa
pagsikat ng araw at itutusok sa lupa ang unang muhon at ikalawa, ikatlo at ika-apat na
muhon at kinakailangang muling mahawakan ang unang muhon bago lumubog ang araw.
Walang pagsaway na gagawin sa kanya kung gaano man kalaking lupa ang kanyang 
masakop basta't matupad niya ang kondisyon ng Rajah. At wala rin siyang maaring
isamang alipin upang magbitbit ng kanyang baon na inumin at pagkain.

Kinabukasan ay maaga siyang gumising at pagsikat ng araw ay itinulos ang unang muhon,
naglakad si pasilangan na ang nasa lisip lamang ay makakukha ng higit kumulang na mga
sampung ektarya na maaari niyang pagpasimulan ng panibagong pataniman. Habang 
naglalakad siya pasilangan ay napansin niya ang yaman ng lupa at kapatagan nito. 
Itinulos niya ang ikalawang muhon pagkaraan ng isang kilometro at naglakad naman
papunta ng direksiyong hilaga para sa ikatlong tulos.

Nagsisimula pa lamang na tumirik ang araw ng maibaon niya ang ikatlong muhon
kaya't mahaba pa ang panahon para siya ay makabalik sa pinagsimulan.     
Nagsimula na siyang maglakad patungong kanluran para sa ikaapat na muhon.
Habang siya ay naglalakad ay natahak niya ang baybay ilog at nakita niya
na higit pang mayaman ang lupain sa kabilang ibayo. Tumawid siya sa kabila
at lalo siyang nalibang sa paglalakad palayo ng palayo.

Hindi niya napansin na halos malapit na ang takip-silim ng maitulos niya ang
ikaapat na muhon. Tinanaw niya ang timog para bumalik sa kanyang pinagmulan
at noon lamang niya napansin na hindi niya ito mararating kung lalakarin lamang.
Nagsimula na siya ng lakad-takbo pabalik, habang tinatanaw paminsa-minsan ang
kanluran. Papalubog na ang araw halos hindi pa niya maaninaw ang unang
tulos kaya't binilisan niya ang pagtakbo. 

Ilang daang metro na lamang at mararating na niya ang unang muhon at doon
naghihintay ang Rajah para ibigay sa kanya ang titulo sa lupa.  Pabilis ng pabilis ang 
kanyang pagtakbo hanggang sa maramdaman niya ang paninigas ng kanyang mga
binti, pagsisikip ng kanyang dibdib at pagsakit ng kanyang ulo. Mga ilang daang
hakbang na lang ay nabuwal siya at tuluyang tinakasan ng hininga. 
Sa bandang huli, ang tanging nakamit niyang lupa ay dalawang metro-kudrado,
katumbas lamang ng kanyang libingan.

Ipinakita ng Rajah sa dalawang alipin ang hanay ng mga nakalibing na naghangad
ng lupain subali't pinangibabawan ng labis na pagnanasa ng yaman at hindi rin
nagawang makabalik sa unang muhon bago lumubog ang araw. 
Binigyan ng kalayaan ng Rajah ang dalawang alipin at binahagian ng tig-limang
piraso ng ginto para pagpasimulan ng kanilang bagong buhay. 

GINTONG ARAL
.............................................

Maghangad lamang ng kaya mong pagyamanin
Sapat na lupain para ikaw ay buhayin
Sapat na ani para ikaw ay may makain
Sobrang kayamanan na hahangarin
Maghahatid lamang sa iyong libing

Comments

Popular Posts