ISANG TULA : BUHAY BINATA (MWSS DAYS)
Kaysarap alalahanin noong ako ay binata pa
May magandang trabaho, no problem sa pera
Sa pagsapit ng suweldo kasama ang barkada
Pagkatapos ng beerhouse diretso sa Maalikaya
Palibhasa ay puro lonely, in short mga torpe !
May mga crush na babae pero di makapagsabi
Ligaw-tingin , halik-hangin, puro day-dreaming
Ang tanong sa sarili ... ako kaya ay pansinin ?
Ang malas nga noon ay wala pang cellphone
Pasulat-sulat lang, padala ng rose at pulburon
Di tulad ngayon puwede na sa text at internet
Simple lang ang tanong ... when can we meet ?
Ang sakit sa loob kapag di ka niya pinansin
Ang unang nasa isip, gusto kong maglasing
Doon sa patay-sindi, you will go home happy
May syota ka for the night kapag sinuswerti !
Buti sa beerhouse siguradong may happy hour
Panay ang order ng beer kapag di nakai-score
Ang sabi nga ni Kid, ang hirap na dumiskarte
Alam niya lang itanong, magkano ba Beybe ?
Mga matamlay ang ngiti habang tumutungga
Kapag nagsimula ang show biglang sumisigla
Heto na, heto na, iyan ang hinihintay ng lahat
Pag ang dancer ay lumapit pwede kang sumalat
Kaya tuloy ang "feeling" ikaw ay "hot na hot"
Dapat ay matapos ang gabi doon sa sauna bath
Sir, powder o lotion ?, iyon ang unang tanong
Gusto mo all-the-way ? ang sunod na bulong
Ganon ang buhay-binata hanggang ma-in-love
For love a woman, mga bisyo ay easy to give-up
Unti-unti ... barkada ay iniwan, pati na inuman
Ngayon ay tropang-unders, meron ng "only one"
Halos 40 years na ang nakakaraan noong ako, kabilang ang 24 na mga bagong "graduates" ang natanggap para sa isang "Cadetship Training" sa sinisimulang proyekto na Laiban Dam sa Tanay, Rizal. Pawang mga kabataan, at maliban sa isa ay wala pa ring karanasan sa larangan ng pagiging inhenyero, kami ay napili para maturuang mamahala ng "construction" o pag-gawa ng isang "diversion tunnel" bilang paunang bahagi ng pagtatayo ng Laiban Dam.
Makalipas ang dalawang taon ay natapos naman ang "tunnel" subali't dahil sa kaguluhan na bumabalot noon sa pamahalaan, taong 1983, at napatigil ang mga susunod na bahagi ng proyekto. Ang aming grupo ay pansamantalang naitalaga sa opisina sa Balara, Quezon City habang naghihintay kung maipagpapatuloy pa ang proyekto.
Dahil puro mga binata at wala namang gaanong responsibilidad sa buhay, puro "good time" at paglilibang ang aming naatupag. Maligalig, masaya, masarap alalahanin, nguni't di masasabing walang kabuluhan. Mga bagay na kailangang maranasan para naman kapag dumating na takdang responsibilidad sa magiging pamilya ay maaari mong sabihing "pinagdaanan ko rin yan !".
Comments
Post a Comment