BUHAY BINATA ( MWSS Days Part 2)





Kaysarap magbaliktanaw, sa bulubundukin ng Tanay
Kami ay ipinadala para maturuan. doon ay magsanay
Dalawampu at apat, mga bagitong magiging panday
Istrakturang dam na pagmumulan ng tubig na dalisay

Tatlong oras na biyahe mula sa opisina ng Balara
Kami ay manggagawa ng tunnel sa mataas na lupa
Ang dam ay isusunod, haharang sa ilog ng Kaliwa
Tubig na inumin padadaluyin patungo ng Maynila

Alak ang handa, pasalubong sa aming pagdating
Binyag sa mga bagong inhenyero ng aming DPM
Sky is the limit, no exemption, lahat ay painumin
At kinabukasan kami rin pala ang pagbabayarin

Noon din namin nakilala ang hari ng mga "Magu"
Dapat daw makisama pero hindi parehas ang trato
Kami ay nagtiis sa galunggong na may "sore eyes"
Kaya't nagkaisang bumukod sa luto, naging "wise"

Makalipas ang ilang buwan, si DPM nagpaalam
Di magmaliw ang saya, ang beer ay drum-drum
Kaso nagkagulo, San Miguel kami'y pinagtaguan
Kami na ang may gastos gusto pang lamangan !

Anyway, after that, everything turned out "Okay"
Gumanda na ang samahan sa housing ng Laiban
Wala na ang haring Magu dating pinangingilagan
Kanya-kanyang diskarte na, patas na sa inuman

Kay hirap sa kabundukan  wala kaming libangan
Pag nagsawa sa kuwentuhan,may alak at inuman
Ngunit kahit paano,sa matagal na pinagsamahan
Nabuo ang barkada at malalim na pagkakaibigan

Siyempre bawa't birthday kailangan may handaan
Isang buong kambing ang aming hain na pulutan
May kilawin, may kaldereta, adobo at pinapaitan
Bumabaha ang beer, one-two-sawa ang tagayan

Kay gaganda ng mga binubuong mga pangarap 
Magtuloy-tuloy lang project, wala ng mahahanap
Magandang pundasyon, at ang dagdag kaalaman
Saan man makarating ay tiyak na pakikinabangan

Sa aking mga barkada, at mga kaibigan sa Laiban
Hanggang sa pagpanaw hindi ko kayo kalilimutan
Kay Marlo at kay Boyet na aming mga sandigan
Kay Doy, Robert at Ronald, ninong sa kasayahan

Si Calvi na pretty boy, siya ang gigolo ng barkada
At hindi pahuhuli ang kababayan na si Zalameda
Si Edwin na palakaibigan at siyempre, Ely Badlit
Si Jerome ang lover-boy, si Tagumpay na makulit

Si Gani at si Sonny Boy, sa tropa ay mga kenkoy
Si Eddie C. at Jojo, kapwa tahimik tulad ni Tisoy
Ang paboritong asarin , kung tawagin siya'y maton
Gayundin ang genius daw, na palayaw ay si Bong

Makakalimutan ba  natin "best guard" na si Albert
Ang guitar players na si Mar, Jess Panga at si Rey
Ang maaksiyong tagpo na "Sumuko ka, Ronquillo"
At ang "Hahanguin kita sa Putik" ni Atlas Ollero

Ang aming "Boss-Chief" na si Kumander Melody
Mga seniors, Celispara, Caser, si Kidlat at Flavie
At ang iba pa, Totoy, Freddie, Rey, John at Pronie
At aming paborito, si Diego ang aming ka-buddy

At siyempre ang aming kaagapay, ang NIA-Consult
Mga consultant na nagturo at ang PM na si Bornok
At ang tatlong bulaklak sa sa kapatagan ng bundok
Si Merly, si Mely, at si Belen, sa puso'y nagpatibok

Dalawang taon ang nakalipas, proyekto ay natigil
Aming mga pangarap nauwi sa galit at panggigigil
Ang mga dating taga-bundok ay nag-balik-opisina
At doon nagsimula ang isang bagong kabanata ...


Taong 1982 nang magpasimula ang "Ika-8 Cadet Engineers Training Program" na kinabibilangan. Matapos ang anim na buwan na pagsasanay sa iba't-ibang sangay ng aming tanggapan, "Manila Waterworks and Sewerage System" (MWSS), 24 sa 42 nakapasa ang itinalaga sa MWSP III samantalang ang mga natira naman ay iba't-ibang sangay na kanilang pinili.

Kami ang (24) dalawampu at apat na ipinadala sa "Laiban Dam Diversion Tunnel Project" para doon naman ay sanayin at magkaroon ng karanasan sa aktual na konstruksion ng "twin-tunnel" o paliwas na lagusan ng tubig ng ilog Kaliwa habang gingawa ang dam. Ang dam na may taas na 180 metro ay siyang magsisilbing pangharang sa tubig upang makabuo ng kalawaan na padadaluyin naman sa kamaynilaan. Sa laki ng magiging lawa ay may lulubog sa tubig na 7 bayan kaya't kaagapay nito ang proyekto ng relokasyon para sa mga mamamayan na maapektuhan nito.

Ang proyektong ito sana ang tutugon sa pangangailangan ng malinis na tubig para sa kalawakan ng Metro-Manila na tinatayang hindi na makakasapat sa pangangailangan sa tubig sa taong 2020. Halos 40 taon na ang nakakaraan ay hindi pa rin ito naipagpapatuloy at kasalukuyan pang pinagpapasyahan ng pamahalaan kung kailan sisimulan.

Comments

Popular Posts