BUHAY BINATA : ( MWSS Days Part 3 )
Laiban Dam Project, Tanay, Rizal
from YouTube
Sadyang kakaiba buhay doon sa kabundukan
Ang bawa't araw ay nababalot ng katahimikanKaya para lamang na mapawi ang kalungkutan
Kailangang mag-ingay, at minsan magsigawan
Dalawang taon sa gubat humubog sa kabataan
Doon din nabuo ang matalik na pagka-kaibigan
Ang mga alaalang kay saya, at binabalik-balikan
Kaya saan makarating ay hindi na makakalimutan
At sa ika-tatlong yugto ng ating ating kuwentuhan
Aming proyekto ay natigil dahil sa mga kaguluhan
Sa aming opisina sa Balara ang tropa ay nare-assign
Para kaming baguhan, nanibago sa mga patakaran
Mahirap maging disente, dating mga taga-bundok
" To live by the rules and do things by the book "
Ang aming opisina na dati ay tahimik at disiplinado
Naging mga pasaway, pati mga datihan ay nakikigulo
Kahit anong tingin ni "Flat-Top" at saway ni Tita Eden
Ang ingay, biruan at kantiyawan, hindi kayang supilin
Lalo lamang lumaki ang barkada, dumami ang ka-tropa
Pagdating ng sahod, kami'y sama-sama, tuloy ang ligaya
Restobar Uniwide-Cubao, naging paboritong tambayan
Inom- pakondisyon habang nag-iisip ng bagong misyon
Lilipat ng lugar, magpalipas oras sa Lambat at Daungan
Tuloy sa Pangarap, magkakape, then masahe with lotion
Sana huwag isipin na hindi kami straight at mga seryoso
Sinusulit lang ang oras habang wala pang mga proyekto
May mga nag-aral uli, ang iba ay sa "abroad" nag-apply
Alam namin na darating ang araw ng paghihiwa-hiwalay
Mayroon din naman na magagandang mga pangyayari
May mga nain-love, nagligawan at naging love story
Si Belen at Gerry, Daisy at Romy, Miriam at Attorney
Si Ruth at si Flavie, Susan at Romy, Nelly at si Eddie
Ang iba naman ay sa iba nakatagpo ng mga kasuyo
Isa-isang nangibang-bayan at tuluyan ng nagkalayo
Ang iba naman nagsilipat na ng pagta-trabahuhan
Kung saan sila napunta ay di na nila ipinagpaalam
Pero kahit paano ay naging bahagi na ng aming buhay
Mga taon na ginugol sa MWSS, may ligaya at lumbay
Kahit paano ay salamat kayo'y nakilala, mga ka-opisina
Iisa lang ang dasal, sana kahit sa FB tayo'y magkita-kita
Comments
Post a Comment