MGA KUWENTONG TEACHER

TEACHER     :   Kulas, kapag ang bakal ay inilagay sa labas ng bahay at hinayaang
                            mabasa ng ulan at maarawan, ito ay kinakalawang.  Halimbawa,
                            mag-lagay naman ako ng ginto sa labas ng bahay, ano sa palagay
                            mo ang mangyayari ?

KULAS          :   Sigurado po Ma'am, nanakawin yon !

 ooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo


TEACHER    :    Noong December 31,1898 ay binaril si Dr. Jose Rizal sa Bagumbayan
                            o Luneta na ngayon.  Noong January 2, 1899, ano naman ang ginawa nina
                            Andres Bonifacio at ng mga katipunero ?

KULAS         :    Ma'am, nakipaglibing po.


ooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo



TEACHER    :   Kulas, bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa marunong bumilang ?
                           Ang alam mo lang ay 1 to 10, alam mo ba ang mangyayari sa'yo
                           kung 1 to 10 lang ang alam mong bilang ?

KULAS         :    Yes Ma'am.  Puwede po akong maging referee sa boxing.

oooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo


TEACHER   :   Kulas, halimbawa nalaman mo na may anak sa labas ang iyong tatay, ano ang                                        gagawin mo ?

KULAS        :   Siyempre Ma'am, papasukin ko sa loob ng bahay. Hospitality !

ooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo

TEACHER   :   Kulas, ano ang nararapat gawin kapag inabot kayo ng lindol habang nasa loob
                          ng bahay ?

KULAS       :    Ma'am, bubuksan ko po ang ilaw.

TEACHER  :   Anong klaseng sagot naman yan Kulas ?

KULAS       :   Ma'am, kasi nararamdaman namin na lumilindol sa bahay tumitigil kapag
                         binuksan ko ang ilaw.

oooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo

TEACHER  :   Kulas, di ba ipinagbabawal ko sa inyo na magdala ng hayop na alaga sa
                        school.  Bakit mo dinala ang pusa ninyo ?

KULAS      :    Ma'am, kasi narinig ko kasi ang tatay ko na kakain daw siya ng "pussy" kapag
                         nasa school na ako.

oooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo



TEACHER   :  (Napansin na tulog si Kulas habang nagsasalaysay siya ng kamatayan ni Rizal)
                         Kulas, saan at kailan binaril si Dr. Jose Rizal ?

KULAS        :  Ma'am naman, mahirap lang po kami pero huwag naman ninyo akong
                        pagbintangan.  Wala po akong kinalaman diyan.

TEACHER   : (Galit)  Kulas, bukas isama mo rito ang nanay mo at gusto kong makausap !

KULAS        : Ma'am si inay nga po ang pumatay doon sa manok ng kapitbahay namin at
                       ginawang tinola, pero wala po rin siyang kinalaman sa pagbaril kay Rizal.

ooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo

TEACHER   : Kulas, halimbawa may lima akong mansanas, nag-iwan ako sa akin ng tatlo
                        ibinigay ko sa natira, ilan na ang mansanas mo.

KULAS        : Tatlo po Ma'am.

TEACHER   : Kulas, lima nga mansanas ko, naiwan sa akin ang tatlo, paano naging tatlo
                        mansana mo ?  Lima bawasan ng tatlo, ilan yon ?

KULAS        : Dalawa po, may baon akong isa, eh di tatlo.

ooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo


Comments

Popular Posts