ANG MATANDANG ENKANTADA (RAW)


  Ang kasaysayan na ito ay naganap sa isang ilang na lugar sa bulubundukin ng Cavite. 

Hindi na bago sa mga matatanda ang magkuwento ng mga kababalaghan sa mga kabataan tulad ng tikbalang, mga anting-anting at mga lamang lupa na naninirahan sa mga liblib na lugar ng kabundukan.

Isang araw, habang patungo si Igme sa ilog upang sumalok ng tubig ay may nakita siyang isang matandang babae na nakatali sa may puno ng avocado. Agad niya itong nilapitan, kinalagan ng mga tali sa kamay at pinainom ng tubig. Tinanong niya ang matanda kung bakit ito nakatali sa puno at ito ang kanilang napag-usapan.

   Matanda  :  "Isa akong engkantada na isinumpa ng isang masamang espiritu at mananatili raw                            ako sa ganitong anyo hangga't walang isang lalake na dalisay ang puso na                                      makikipag-talik sa akin. Isa akong diwata ng kagandahan at may natatago akong                              isang banga na puno ng ginto. Makukuha ko lamang ito kung magbabalik ako sa                            dati kong anyo.

              Igme       :    Ang ibig n'yo po bang ibig sabihin ay  kung magtatalik tayo, babalik ang inyong                                      kagandahan at mababahagian ninyo ako ng kahit kaunting kayamanan ??

             Matanda  :    Oo, babalik ang aking kabataan at kagandahan at ang banga ng ginto ay para sa                                        iyo lamang bilang gantimpala sa maganda mong kalooban.

Tuwang tuwa si Igme at agad na naghubad ng kasuotan at sinipingan ang matanda. Nagpahinga sila pagkatapos at ng makaraan ang halos kalahating oras ay walang nakitang pagbabago si Igme. Tinanong niya ang matanda at ang sabi nito ay marahil ay matindi talaga ang sumpa at kailangan niyang umulit para tuluyang mapawi ang kapangyarihan ng mga masasamang espiritu.

Muli silang nagsiping at ng makaraan ang isang oras ay may pagka-inis na tinanong ni Igme muli ang matanda kung bakit parang wala namang pagbabago na nagaganap. Sumagot ang matanda ...

              Matanda  :  Ilang taon ka na ba amang ?

              Igme        :  Dalawanpu at pitong taon na po ...

              Matanda   : Sa tanda mo na ba namang yan ay naniniwala ka pa sa Fairy Tales 😄😄 ??

Sa galit ni Igme ay muli niyang itinali ang matanda sa puno ng avocado at inis na inis na umalis 😝


                                      😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉😉

 

Comments

Popular Posts