ANG MATANDANG ENKANTADA (RAW)
Ang kasaysayan na ito ay naganap sa isang ilang na lugar sa bulubundukin ng Cavite. Hindi na bago sa mga matatanda ang magkuwento ng mga kababalaghan sa mga kabataan tulad ng tikbalang, mga anting-anting at mga lamang lupa na naninirahan sa mga liblib na lugar ng kabundukan. Isang araw, habang patungo si Igme sa ilog upang sumalok ng tubig ay may nakita siyang isang matandang babae na nakatali sa may puno ng avocado. Agad niya itong nilapitan, kinalagan ng mga tali sa kamay at pinainom ng tubig. Tinanong niya ang matanda kung bakit ito nakatali sa puno at ito ang kanilang napag-usapan. Matanda : "Isa akong engkantada na isinumpa ng isang masamang espiritu at mananatili raw ako sa ganitong anyo hangga't walang isang lalake na dalisay ang puso na makikipag-talik sa akin. Isa akong diwata ng kagandahan at may natatago akong isang banga na puno ng ginto. Makukuha ko lamang ito kung